TINGNAN | Kaugnay sa paggunita ng 18-day Campaign to End VAW sa Lungsod ng Tanauan, nagsasagawa ang ating Gad Tanauan at Tanauan Local Social Welfare and Development katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Campus Tour upang maghatid ng kaalaman patungkol sa Gender Laws na pinaiiral sa Lungsod ng Tanauan.
Bahagi ito ng inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes at lokal na pamahalaan upang mas mapalawig pa ang mga gender-responsive programs and services para sa bawat Tanaueño.
