#KristinePH | Kasalukuyang nakataas ang Orange Rainfall Warning sa Lalawigan ng Batangas at ilang bahagi ng Quezon Province dulot ng Bagyong #KristinePH.
Habang nakataas naman ang Yellow Rainfall Warning sa Lalawigan ng Laguna, Rizal, ilang natitirang bahagi ng Quezon at Metro Manila.
Patuloy pa rin ang monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City partikular na ang Emergency Operations Center ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan na nakatira sa mga disaster-prone areas.
Mag-iingat po tayong lahat at manatiling ligtas.
