Kasalukuyang kaganapan sa Tanauan City College, tinalakay sa 5th TCC Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni TCC Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes ay tagumpay na naisagawa ang ika-limang Tanauan City College Board Meeting kabilang na ang pagpapaabot ng Pamahalaang Lungsod ng scholarship allowance sa limang mag-aaral na bahagi ng Tulong Dunong sa ilalim ng programa ng Commission on Higher Education(CHED).
Nagsagawa rin ng Oathtaking ang lahat ng bagong mga kinatawan ng Iskolar ng Lungsod Council (ILC) sa pangunguna ni ILC President Vince Harris B. Mangabat at pagtatalaga sa bagong TCC Alumni Association President na si Ms. Yerushatayim N. Naling.
Bukod dito, dinaluhan din ang nasabing pagpupulong nina Vice-Chairperson of the Board TCC President & College Administrator Michael E. Lirio, Association of Local Colleges and Universities (ALCU) Representative Dr. Raymundo P. Arcega, Private Sector Representative Mr. Juanito Yabut, President of Faculty Association Ms. Lally Marfa Castillo, NGO Representative Ms. Enrica S. Gonzales, Former President of Alumni Association Ms. Eufrinia R. Aala, at TESDA IV-A Director Mr. Gerardo Mercado upang pag-usapan ang mga sumusunod:
• Increased of enrollees for the 1st semester A.Y. 2022-2023
• Approved Uniform Design of Tanauan City College
• Presentation of New Board Members namely; OIC CHED Region IV-A Dr. Freddie Bulauan as CHED representative, TCC Alumni President Yerushatayim N. Naling, and ILC President Vince Harris B. Mangabat
• Tanauan City College Benchmarking Activity at Colegio ng Lungsod ng Batangas
• Research and Development Extension (RDE) activity of Tanauan City College
Samantala, inaaasahan naman na sa ika-19 ng Oktubre ang susunod na TCC Board of Trustees Meeting sa Pamahalaang Lungsod.