Kasalukuyang estado ng POPCEN-CBMS, tinalakay!

Kasalukuyang estado ng POPCEN-CBMS, tinalakay kasama ang PSA at Tanauan City Enumerators!
Bumisita ngayong araw ang mga enumerators ng Lungsod ng Tanauan sa ilalim ng POPCEN-CBMS ng Philippine Statistics Authority upang iulat sa ating Mayor Sonny Perez Collantes ang kasalukuyang estado ng survey na kanilang ginagawa.
Ayon sa kanilang ulat, puspusan pa rin ang kanilang pagbabahay-bahay upang makakalap ng datos upang makalikom ng komprehensibong datos tungkol sa populasyon at kalagayan ng bawat sambahayan upang mapabuti ang mga serbisyong pampubliko at mga programang pangkaunlaran.
Habang taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho.
Samantala, inaasahang matapos ang POPCEN-CBMS sa 48 Barangays sa darating na Disyembre katuwang ang Tanauan CPDO.
Previous TCWCC’s 7th Monthly Meeting

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved