Karagdagang 150 armchairs sa Mahabang Buhangin Elementary School, tagumpay na naihatid ngayong umaga!

Karagdagang 150 armchairs sa Mahabang Buhangin Elementary School, tagumpay na naihatid ngayong umaga!
Dahil hangad ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pampublikong Paaralan sa Tanauan, naging matagumpay ang distribusyon ng karagdagang 150 plastic armchairs sa DepEd Tayo Mahabang Buhangin ES – Tanauan City ngayong umaga ika-29 ng Disyembre, 2022.
Naisakatuparan ang paghahatid ng mga arm charis sa Sitio Mahabang Buhangin sa tulong ng speed boats at mga kawani mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City. Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang mga kawani ng School Division Offices—Mr. Rommel Villanueva (Senior Education Program Specialist) at Mr. Danilo Mutia (OIC Public School District Supervisor) at pamunuan ng Mahabang Buhangin Elementary School sa pangunguna ni Mrs. Mylene Camiso (School Head) kay Mayor Sonny at City Women’s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes dahil sa kanilang patuloy na pagtaguyod ng kalidad na edukasyon sa lungsod.
Bahagi ito ng pagsisikap ng ating Punong Lungsod na mahandugan ng mga maayos na kagamitan ang classrooms ng mga Pampublikong Paaralan upang makapag-aral nang maayos ang mga estudyante sa bawat barangay ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Tagumpay ring pinasinayaan ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes ang pagtataling puso ng ating 13 na mga magsing-irog na mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version