Kanegosyo Center Business Coaching, inihatid ni Mayor Sonny, Cebuana Lhuillier at Tanauan CCLDO!
Mula sa pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan CCLDO sa pamunuan ng Cebuana Lhuillier, kargadagang kaalaman ang inihatid para sa ating mga strat-up entreprenuers mula sa Tanauan City Vendors Market ngayong araw.
Ayon kay Mayor Sonny, ang pagsasagawa ng ganitong seminar ay isa sa magiging instrumento ng ating mga maliliit na negosyante upang mapalago ang kanilang kabuhayan. Taos pusong nagpasalamat din si Mayor Sonny sa pakikipagtulungan ng Cebuana Lhuiller upang mas mapasigla pa ang lokal na ekonomiya ng Lungsod sa pamamagitan ng ating mga micro at small entrepreneurs.
Kabilang sa Phase 1 ng Kanegosyo Center Business Coaching na “Foundation and Ideation topic” ay ang mga sumusunod:
• Entrepreneurial mind-setting and Values Formation
• Crafting Solid Business Idea
• Market Research Essentials
• Defining Value Proposition
• Developing Business Model Canvas
