Kamustahan, kasama ang iba’t ibang Organisasyon sa Barangay Tinurik!
Kasama ang Kapitan ng Barangay Tinurik Kap. Erickson Moncayo, kinonsulta nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , Atty. King Collantes at ating City Administrator Mr. Wilfredo “Dodong” Panganiban ABLAO ang ating mga kababayan sa nasabing Barangay.
Mga organisasyon at samahan ang nagtipon-tipon upang ihayag sa ating Punong Lungsod ang kanilang mga pangunahing pangangailangan mula sa ating Lokal na Pamahalaan. Ayon kay Mayor Sonny, mahalagang bumababa ang Lider sa ating mga komunidad upang alamin, kausapin at kamustahin ang ating mga kababayan para sa malawak na paghahatid ng Serbisyo Publiko sa ating Lungsod.