JOINT CITY PEACE AND ORDER COUNCIL (CPOC) AND CITY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL(CADAC) MEETING

JOINT CITY PEACE AND ORDER COUNCIL (CPOC) AND CITY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL(CADAC) MEETING
Pinangunahan ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang matagumpay na Joint Meeting ng City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ngayong araw ng Martes, ika-18 ng Oktubre.
Tinalakay sa unang bahagi ng agenda—sa pangunguna ni CLGOO Charlotte Flor S. Quiza (DILG), ang mga hakbang at polisiya sa pag-apruba ng security clearance ng Civil Society Organization (CSO) kabilang na ang proseso ng akeriditasyon sa mga CSO representatives para sa Peace and Order Council.
Sinundan naman ito ng accomplishment report mula sa mga opisyal at kinatawan ng ahensya ng PNP, BFP at BJMP kabilang na sila PLTCol Karlos P. Lanuza at JCIns Marlon D. Barrun, MSCA. Dito ay ibinahagi ng PNP ang kanilang mga matagumpay na operasyon kontra krimen at droga sa ating lungsod—tulad ng pagbabalita ng Drug Cleared Barangays at mataas na porsyento ng crime solution efficiency.
Inihayag din ng BFP ang kanilang aktibong emergency preparedness activities at community relation services—taos puso din silang nagpasalamat kay Mayor Sonny para sa naisakatuparang bago at maayos na Female Barracks sa kanilang istasyon.
Nagbigay ulat din ang BJMP patungkol sa kanilang epektibong security control operation, rehabilation programs, serbisyong pangkalusugan at paghahandog ng Alternative Learning System para sa kanilang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Samantala, naging daan din ang pagpupulong upang talakayin ang magiging lagay ng trapiko at pagsisiguro ng seguridad ng publiko sa paggunita ng #UNDAS2022 at masayang pagdiriwang ng holiday season sa lungsod ng Tanauan.
By: Nic
Previous Mga Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved