Tanauan City College, Sonny Perez Collantes

Iskolar ng Lungsod at kanilang mga magulang nagsama-sama para sa Parents’ Orientation ngayong Ikalawang semestre ng Tanauan City College!

Iskolar ng Lungsod at kanilang mga magulang nagsama-sama para sa Parents’ Orientation ngayong Ikalawang semestre ng Tanauan City College!
Pinangunahan ni TCC BOT Chair Mayor Sonny Perez Collantes kasama ni Atty. King Collantes ang kauna-unahang Parents’ Orientation para sa Ikalawang semestre ng Tanauan City College.
Ayon kay Mayor Sonny, isa ang edukasyon sa pinahahalagahan ng kanilang pamilya kung kaya’t bilang Alkalde, patuloy ang kaniyang pagsulong ng mga programa para sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa TCC.
Kaniyang ibinalita rin ang ilan sa kasalukuyang hakbanging inihahatid ng pamunuan ng TCC upang masigurong angkop na kaalaman at kasanayan ang naihahatid para sa mga mag-aaral nito.
Paraan naman ito ng naturang institusyon upang malaman ang ideya at suhestiyon ng mga magulang upang patuloy na magabayan ang mga kabataang Tanaueño para sa kanilang mga pangarap at sa mas magandang bukas para sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Civil Wedding

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved