Isang Maaraw at Mapayapang Umaga ho mga kababayan!

Isang Maaraw at Mapayapang Umaga ho mga kababayan!
Mahirap man po sa akin na bumati ng isang “Magandang Umaga” sa lahat, ngunit ako ho’y nagpapasalamat sa ating Poong maykapal sa pag gabay at pagbibigay ng isang panibagong umaga na Puno ng Pag-asa. 🙏🏻
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang sinapit ng ating mga kababayan sa paghagupit ng Bagyong #KristinePh kahapon. Marami sa ating mga kababayan ang lubhang napinsala at naapektohan. Kaya naman ho, ngayong umaga ay agad ho tayong nagpatawag ng Emergency Meeting katuwang ang buong miyembro ng Disaster Council at Department Managers ng ating Pamahalaang Lungsod.
Una ho muna nating inalam ang naging kabuuang epekto at pinsala ng Bagyo sa ating Lungsod, pagtukoy sa bilang ng mga pamilyang lubos na apektado at sa pulong po na ito ay napag usapan natin ang mga sumusunod:
-Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Actual report patungkol sa kabuuang pinsala ng Bagyo.
-Pagmungkahi ng ehekutibo na maisailalim ang ating Lungsod sa State of Calamity.
-Pagbibigay prayoridad sa mga kababayan nating napinsala sa Mahabang Buhangin. Nagpahanda na rin po tayo ng bangka na gagamitin at nakipag ugnayan sa coast guard.
-Paghahanda ng mga goods and supplies na kakailanganin ng ating mga apektadong kababayan.
-Pagpaplano ng pamamahagi ng iba’t ibang tulong para ating mga apektadong kababayan lalo na sa mga nasa evacuation centers.
-Pagsisiguro na may sapat na pondo ang ating Lungsod na magagamit sa post Disaster Operation and Assistance.
-Kinausap na rin ho natin ang BATELEC para sa pagpapanumbalik ng kuryente sa ating Lungsod at pagsasaayos ng mga bumagsak na kable at poste.
-Pinakiusapan na rin ho natin ang mga kapitan na makipagtulungan para sa road clearing operation para sa mabilis na daloy ng pag-aabot ng tulong sa ating mga kababayan.
-Sa tulong po ng opisina ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at katuwang si Atty. King Collantes, nakipag uganayan na rin po tayo sa mga ahensya ng Nasyunal upang makapag hatid ng tulong sa ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.
Bagama’t mahirap man po sa karamihan sa atin ang naging epektong pinsala ng Bagyo. Makakaasa ho kayo na hinding hindi ko po kayo pababayaan. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang makapag hatid ng tulong.
Sama-sama po tayong babangon at malalampasan din natin ito, maraming salamat po at gabayan nawa tayo ng Poong Maykapal. 🙏🏻
No photo description available.
Previous Agarang nagpaabot ng relief packs sa mga pamilyang inilikas!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved