Integrated Diversified Organic Farming System Project, inihatid para sa mga Tanaueñong Magsasaka!
Mas pinalawig pa ni Mayor Sonny Perez Collantes ang oportunidad para sa mga magsasakang Tanaueño matapos tagumpay na magsipagtapos ang mga ito sa Small Scale Integrated Diversified Organic Farming System (SSIDOFS) Project na hatid ng FITS Center Tanauan City sa pamumuno ni Mr. Sherwin Rimas, katuwang ang Department of Agriculture – Philippines
Ang nasabing agricultural system ay isang inobasyon upang makapagtanim at makapag-ani ng organic at kalidad na gulay at prutas na hindi dumedepende sa chemical fertilizers upang maiwasan ang mga peste sa halaman.
Kaugnay rin sa prayoridad na #KabuhayanAtTrabaho para sa ating mga kababayan, inilunsad din ngayong araw ang Farmers Field School (FFS) on Corn Production and Management upang mapalago pa ang supply ng mais sa Lungsod.
Kabahagi din sa nasabing aktibidad sina TWCC President Atty. Cristine Collantes, Luyos BWCC President Lilibeth Arcega, SK Federation Vice President Clarence Micosa, at Mr. Marco Amurao, Engr. Sonny Natauan at Mr. Macky Gonzales na katuwang ni Mayor Sonny sa pagbababa ng mga programa para sa bawat Tanaueña.