Grant Coop Kabuhayan Assistance, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at Ccldo Tanauan
Bilang bahagi ng malawakang suporta sa mga kooperatiba sa Lungsod ng Tanauan, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes at Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. May Fidelino ang Grant Coop Kabuhayan Assistance para sa mga locally-assisted cooperatives ng Lungsod.
Inisyatibo ito ng ating lokal na pamahalaan upang mas mapalawig pa ang sektor ng kooperatiba na katuwang ng ating lungsod sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya nito.
