Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2388164
TodayToday387
This_WeekThis_Week3148
This_MonthThis_Month10278
All_DaysAll_Days2388164

Ika-157 taon ng kapanganakan ni Apolinario Mabini, ginunita.

apoli

Naging maulan
man ang panahon, hindi ito naging hadlang upang gunitain sa pamamagitan ng isang
simpleng seremonya ang ika-157 taon ng kapanganakan ni Apolinario Mabini noong
Hulyo 23, 2021. Inumpisahan ito sa pag-aalay ng bulaklak sa busto nito sa Plaza Mabini
at sinundan ng isang maikling programa at pag-aalay din ng bulaklak sa puntod nito na
matatagpuan sa Barangay Talaga. Kabilang sa mga nakiisa sa selebrasyon ang mga
opisyal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na sina Dir.
Restituto L. Aguilar, Executive Director, at Ms. Gina C. Batuhan, Division Chief, Historic
Sites and Education Division. Ganun din ang mga city officials na sina Vice Mayor Atty.
Junjun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph
Castillo, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon.
Angel Atienza, Kon. Ben Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman de Sagun, ABC
President Isidro Fruelda at SK Federation President John Kennedy Macalindong.
Dumalo din, upang kumatawan kay Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, si OIC City
Administrator Jhon Magpantay, mga Department Heads, Executive Assistants, ilang
kawani ng pamahalaang lungsod at iba pang piling panauhin. (Maria Teresa S. Buño/CIO
Tanauan|Photo Courtesy: Jun S. Mojares)

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph