Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2388189
TodayToday412
This_WeekThis_Week3173
This_MonthThis_Month10303
All_DaysAll_Days2388189

FARMERS FIELD SCHOOL ON VEGETABLE CROPS PRODUCTION, INILUNSAD SA

TANAUAN

farmer

LUNGSOD NG TANAUAN,
LALAWIGAN NG BATANGAS --- Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang "Gender
Responsive Farmers Field School on Vegetable Crops Production" noong Hulyo 16,
2021 sa Pres. JP Laurel National High School ng Barangay Sulpoc upang magbigay ng
pagsasanay patungkol sa agricultural technology.
Sa pagtutulungan ng mga tanggapan ng City Agriculture, Gender and Development at
DepEd, 35 benepisyaryo na binubuo ng mga kababaihang guro, mga magulang at iba
pang stakeholders ng nabanggit na paaralan ang sasailalim sa 12 sessions ng hands-on
training at theoretical discussion na magsisimula sa Hulyo 31, 2021.
Bilang kinatawan ni Mayor Mary Angeline "Sweet" Halili, ipinaabot ni Ms. Nancy Garcia,
Executive Assistant IV ang mensahe ng ina ng lungsod na sumentro sa mga programang
tutugon sa mga isyung may kinalaman sa "food security." Aniya, nararapat lamang na
paunlarin ang pagsasaka sa kabukiran dahil ito ang susi sa produksyon ng mga
masusustansyang pagkain.
Naroon din upang makiisa sa programa sina Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad, mga
miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel
Burgos, Kon. Angel Atienza, Kon. Herman de Sagun, at SK Federation President John
Kennedy Macalindong. Ilan pa sa mga dumalo sina Mr. Sherwin Rimas, Acting
Department Head ng Office of the City Agriculturist, Ms. Vicky Javier, Department Head
ng Gender and Development Office, mga kinatawan ng DepEd, mga guro at iba pang
panauhin. (Maria Teresa S. Buño/CIO Tanauan|Photo Courtesy: Roderick P. Lanting)

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph