Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2388150
TodayToday373
This_WeekThis_Week3134
This_MonthThis_Month10264
All_DaysAll_Days2388150

BEST ECO GARDENS NG TANAUAN CITY, PINARANGALAN

eco

Bilang tugon sa kampanya
ng pamahalaang lokal tungo sa mas malinis na kapaligiran, pinarangalan ang mga “Best
Eco Gardens” ng lungsod noong Hulyo 28, 2021 sa Theatre Room ng cityhall sa ilalim ng
programang “Search for the Best Ecological Garden and Solid Waste Management
Practice in urban and semi-urban barangays in the City of Tanauan na inilunsad ng City
Environment and Natural Resources Office (CENRO) kaisa ang Department of
Environment and Natural Resources (DENR).
Nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili sa mga
pinuno ng barangay na lumahok sa programa na may layuning pagandahin ang isang
bakanteng espasyo sa lugar na kanilang nasasakupan at magsilbing “stress reliever” sa
kanilang mga kabarangay ang pagsasaayos ng kanilang mga hardin sa panahon ng
pandemya.
Sa naging mensahe naman ni Mr. Nelson Gorospe, Assistant Regional Director for
Management Services ng DENR, sinabi nito na ang naturang programa ay bahagi din ng
pagtugon ng kanilang ahensiya sa “Battle for Manila Bay” na naglalayong malinis ang
ang mga daluyan ng tubig patungo sa Laguna Lake at palabas ng Manila Bay.

Wagi bilang 3 rd place at tumanggap ng tseke sa halagang Php 100,000 mula sa
pamahalaang lungsod, Php 4,000 cash prize mula sa BCBP at plake ang Barangay
Poblacion 3.
Nakuha naman ng Barangay Ulango ang 2 nd place na pinagkalooban ng Php 150,000 na
halaga ng tseke, Php 6,000 cash prize mula sa BCBP at plake.
Itinanghal naman bilang 1 st place ng patimpalak ang Barangay Balele na tumanggap ng
tseke sa halagang Php 200,000, Php 10,000 cash prize mula sa BCBP at plake.
Ilang special awards rin ang iginawad sa programa gaya ng Most Innovative Eco
Garden-Poblacion 5; Most Resourceful Eco Garden-Pantay Bata; Most Impressive Eco
Garden-Janopol Oriental; at Most Transformed Eco Garden-Poblacion 1. Ang lahat ng
barangay na ito ay tumanggap ng additional Php 3,000 cash prize mula sa DENR bukod
sa Php 50,000 consolation prize mula sa pamahalaang lungsod.
Ang iba pang lumahok na barangay na pinagkalooban ng consolation prizes ay
kinabibilangan ng Trapiche, Santor, at Darasa.
Kabilang sa mga dumalo sa programa sina OIC-City Administrator Jhon Magpantay; Ms.
Nancy Garcia, Executive Assistant, mga kawani mula sa ilang tanggapan ng lokal na
pamahalaan at mga panauhin na sina Mr. Efren Macalindong, Brotherhood of Christian
Businessmen and Professional (BCBP) Mission Director; Ms. Lilibeth Quiambao mula sa
Rotary Club of Metro Tanauan and Sto. Tomas; at mga kinatawan ng DENR.
Nagsilbing mga hurado ng patimapalak sina Forester Dolores Borja, Forester Ruby
Sarmiento, Forester Wyleen Capito, Atty. Maria Paz Luna, Mr. Ronnie Nones, Mr. Bencio
Raca at Mr. Reden Suelto. (Maria Teresa S. Buño/CIO-Tanauan| Photo Courtesy: Jun S.
Mojares)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph