Press Releases

You are visitor #

2331839
TodayToday187
This_WeekThis_Week2188
This_MonthThis_Month6376
All_DaysAll_Days2331839

PAGBABAWAL NG “MASS GATHERING”, MAS PINAIGTING SA TANAUAN CITY

gather

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS---- Bukod sa ibayong pag-iingat, pinaalalahanan
ni Mayor Angeline “Sweet” Halili ang kanyang mga kababayan hinggil sa pagpapaigting
nito ng kampanya kontra CoViD-19 kabilang na ang pagbabawal sa pagkakaroon ng
“mass gatherings.”
Sa “flag raising ceremony” na pinangunahan niya noong Marso 31, 2021, hinimok niya
ang pakikiisa ng sambayanang Tanaueño lalo’t higit ng mga “barangay chairpersons” na
siyang mananagot sakaling may maitalang insidente ng “mass gathering” sa barangay na
kanilang nasasakupan alinsunod sa kautusan na inilabas ni President Rodrigo Roa
Duterte noong nakaraang linggo.
Dagdag pa ni Mayor Halili, bilang mga serbisyo publiko, nararapat lamang na ang mga
nanunungkulan kagaya niya at iba pang mga kasamahang lingkod bayan ang siyang
magsilbing ehemplo upang tuluyan ng mapuksa ang pagkalat at pagdami ng kaso ng
CoViD-19 sa lungsod.
Samantala, naging malaking hamon man sa kanyang panunungkulan ang pagputok ng
bulkang Taal at paglaganap ng pandemya noong nakaraang taon, isang magandang
pagkakataon pa rin aniya ito sapagkat nakapaghatid siya ng mga kinakailangang tulong
sa kanyang mga kababayan at mas lumaganap ang pagmamalasakit at pagdadamayan.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagkakaloob ng mga “welfare goods” sa mga
Tanaueño na naitatalang positibo sa nasabing karamdaman at regular pa ring
rumoronda sa city proper at bara-barangay ang mga itinalagang CoViD Marshals upang
Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

masiguro na sumusunod sa pamantayang pangkalusugan ang publiko. (Maria Teresa
S. Buño / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick P. Lanting)

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph