Print
Category: Latest News

Pagbabakuna sa mga Tanaueñong may “Controlled Comorbidities”, isinagawa

vaccine

Bilang
tugon sa patuloy na laban upang sugpuin ang banta ng CoViD-19 sa mga mamamayan ng
Lungsod ng Tanauan na pinamumunuan ni Mayor Angeline “Sweet Halili, sinimulan ang
pagbabakuna ng “Sinovac CoViD-19 Vaccine” sa mga Tanaueños na kabilang sa Priority
Eligible A3 Group o iyong may mga “controlled comorbidities” na may edad 18 hanggang 59
taong gulang noong Abril 12, 2021 sa Tanauan City Gymnasium 2. Sa pamamagitan ng City
Health Office (CHO) na pinangangasiwaan ni Dr. Adel S. Bautista, magpapatuloy ang
pagbabakuna sa naturang grupo na kinabibilangan ng may mga kondisyon tulad ng “chronic
respiratory disease”, “hypertension”, “cardiovascular disease”, “malignancy”, “diabetes
mellitus”, “obesity”, at “chronic kidney disease” hanggang Abril 15, 2021. Dumating noong
Abril 8, 2021 sa lungsod ang 2,835 dose ng “Sinovac CoViD-19 Vaccine” mula sa Department
of Health. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares and
Roderick Lanting / April 15, 2021)#