Press Releases

You are visitor #

2274742
TodayToday288
This_WeekThis_Week1270
This_MonthThis_Month1270
All_DaysAll_Days2274742

Higit 12,000 Tablets, Ipinamahagi sa Public Junior High Schools ng Tanauan City

tablet

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Kasabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni yumaong Mayor
Antonio “Thony” Halili noong Pebrero 8, 2021, pormal na sinimulan sa Balele Integrated High School
ang distribusyon ng mga “tablets” na tinanggap ng mga magulang ng mga mag-aaral ng
pampublikong Junior High Schools sa lungsod sa pangunguna ni Mayor Angeline “Sweet” Halili.
Ang naturang proyekto na may temang “Educational Quality through Innovative Partnerships-
Tanauan City (EQUIP-TC)” na naglalayong makatugon sa kakulangan ng mga mag-aaral upang
makasama sa online class ay tagumpay na naisakatuparan dahil sa inisyatibo ng Punong Lungsod at
sa pamamagitan ng Special Education Fund (SEF).
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga magulang, guro at kawani ng City Schools Division of Tanauan ang
kanilang lubos na pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paggawad ng “Plaque of
Appreciation” kay Mayor Sweet na pinangunahan ni Schools Division Superintendent, Mr. Rogelio F.
Opulencia kasama si Asst. Schools Division Superintendent, Ms. Rhina O. Ilagan.
Nakiisa din sa naturang inisyal na distribusyon ng “tablet” si Chief of Staff Casiano Saniano at mga
miyembro ng Sangguniang Barangay ng Balele sa pamumuno ni Punong Barangay Jayson Capacia.
Magpapatuloy hanggang Pebrero 24, 2021 ang iskedyul ng pamamahagi ng may kabuuang 12,160
“learning tablets” sa mga mag-aaral ng labing-anim (16) na pampublikong Junior High Schools mula
sa mga barangay na nasasakupan ng lungsod. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Roderick Lanting | February 9, 2021) #

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph