Press Releases

You are visitor #

2274749
TodayToday295
This_WeekThis_Week1277
This_MonthThis_Month1277
All_DaysAll_Days2274749

Mga Proyekto ng South Luzon Water para sa Tanauan City ngayong 2021, pinasinayaan

pipe

Sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni Mayor Angeline Halili,
pormal na ipinahayag ng South Luzon Water ang kanilang mga isasakatuparang proyekto sa
lungsod sa isinagawang “Inauguration of 2021 Projects” at “ribbon-cutting ceremony” na
ginanap sa Brgy. Pantay Bata noong Pebrero 2, 2021. Ayon kay South Luzon Water
Operations Manager, Ms. Angelie C. Miranda, magkakaroon ng “pipelaying projects” sa
labingpitong (17) barangay sa lungsod kabilang ang Brgy. Sulpoc, Montaña, Altura Bata,
Altura Matanda, Panay Bata, Pantay Matanda, Ulango, Bañadero, Ambulong, Janopol
Occidental, Gonzales, Sambat, Natatas, Balele, Boot, Ma. Paz at isang bahagi ng Poblacion 1
upang mapaganda ang serbisyo at lumakas ang daloy ng tubig. Nakiisa sa nasabing okasyon
si Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. kasama si Acting City Administrator Atty.
Ferdinand Perez bilang kinatawan ni Mayor Halili. Dumalo din dito sina Chief of Staff
Casiano Saniano, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Herman Trinidad,
Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Ret. BGen.
Benedicto Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman De Sagun, SK Federation President
John Kennedy Macalindong at ilang kapitan mula sa mga barangay na makikinabang sa
naturang proyekto. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick
Lanting / February 3, 2021) #

 

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph