Press Releases

You are visitor #

2274752
TodayToday298
This_WeekThis_Week1280
This_MonthThis_Month1280
All_DaysAll_Days2274752

Pagbalik-tanaw sa pagputok ng Bulkang Taal, isinakatuparan sa photo exhibit ng Tanauan
City

taal

Isang taon mula ng pumutok ang Bulkang Taal, ginunita ng Pamahalaang Lungsod na
pinamumunuan ni Mayor Mary Angeline Halili ang trahedyang sumubok sa tatag ng bawat
Tanaueño sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang “photo exhibit” noong Enero 11, 2021
na matatagpuan sa “main entrance lobby” ng New Tanauan Cityhall. Sa pamamagitan ng
Community Affairs Office (CAO) na nasa ilalim ng pangangasiwa ni G. Edison Jallores Jr.,
naisakatuparan ang naturang exhibit na may temang “Bulkang Taal: Pagsabog, Pagdamay at
Pagbangon para sa Bagong Kinabukasan”. Kasabay ng paglalagay ng mga larawan ng
pagsabog ng bulkan, ipinakita din ang ilang mga larawan ng mga naging hakbang ng lokal na
pamahalaan sa pagtulong sa mga apektadong residente sa mismong oras ng naturang
pagsabog gayundin ang pagbangon ng mga Tanaueños mula sa naganap na sakuna.
Ipinalabas din ang ilang “recorded videos” tulad ng mga balita at “documentaries”
patungkol sa naturang kaganapan noong nakaraang taon. Mananatili ang “photo exhibit”
hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Cao Tanauan FB page / January 13, 2021) #

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph