Press Releases

You are visitor #

2256477
TodayToday444
This_WeekThis_Week444
This_MonthThis_Month8232
All_DaysAll_Days2256477

Citizens Charter

charter4

1600 LAPTOPS, IPINAMAHAGI SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS NG TANAUAN CITY

laptop

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Enero
4, 2021, mas pinili ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili na ipamahagi ang 1,600 laptops na
nakalaan para sa mga guro ng pampublikong paaralan ng Lungsod ng Tanauan.
Sa ilalim ng programang “Handog Ko Puso Ko sa Kaarawan Ko” tagumpay na naisakatuparan sa
Tanauan South Central School ang nasabing pamamahagi ng laptop units upang makaagapay sa mga
guro sa pagsasagawa ng “online classes” ngayong panahon ng pandemya.
Kabilang sa binigyang diin ni Mayor Halili sa kanyang naging talumpati ang kahalagahan ng
pagbibigay sa araw ng kanyang kaarawan. “Let this be a significant memory to all of us. Na hindi
porket ako ang celebrant, ako ang tatanggap ng regalo, kasi yan ang tradisyon noon. Let it be a
tradition wherein on my birthday, it is my turn to give something more of myself to each and every
one of you.”

Ibinahagi din ni Mayor Sweet ang kanyang pagnanais na makapagbigay ng “tablets” sa mga mag-
aaral upang aktibo silang makadalo sa mga “online classes” habang hindi pa maaaring magpatupad
ng “face to face classes.”
Lubos ang pasasalamat at malugod na tinanggap ng mga guro ang mga ipinamahaging portable PCs
sa pangunguna ni Tanauan City Schools Division Superindendent Rogelio F. Opulencia. Dumalo din
sa naturang distribusyon sina City Administrator Allan Credo, Chief of Staff Casiano Saniano, ilang
mga kapitan ng barangay, mga kawani ng DepEd-Tanauan Division at mga kinatawan ng PNP at BFP.
(Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick Lanting | January 4, 2021) #

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph