Press Releases

You are visitor #

2256443
TodayToday410
This_WeekThis_Week410
This_MonthThis_Month8198
All_DaysAll_Days2256443

Citizens Charter

charter4

Quail Production Package, ipinamahagi sa mga apektadong Tanaueño hog raisers

quail

Sampung (10)
“hog raisers” mula sa mga barangay sa lungsod ng Tanauan na naapektuhan ng African Swine Fever
(ASF) ang benepisyaryo ng “Quail Production Package” na ipinagkaloob ng Department of Agriculture
(DA)-Region Field Office 4A. Sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na
pinamumunauan ni Mayor Mary Angeline Halili sa pamamagitan ng Tanggapan ng Beterinaryong
Panlungsod na pinangangasiwaan ni Dr. Aries P. Garcia naipagkaloob ang naturang ayuda sa mga
apektadong “hog raisers” noong Nobyember 27, 2020. Layunin ng naturang proyekto ang magbigay
ng alternatibong pangkabuhayan sa mga nag-aalaga ng baboy na nawalan ng mapagkukunan ng kita
sanhi ng paglaganap ng ASF. Kabilang sa ipinamahagi ng DA-RFO 4A ang 800 piraso ng “ready-to-lay
quails” o pugo, 10 “battery cages”, 10 sako ng “quail feeds” at 80 piraso ng “feeders” o pakainan.
Dumalo din sa naturang distibusyon sina Ms. Rebecca Javier na nangangasiwa sa tanggapan ng City
Social Welfare and Development (CSWD) at Ms. Ellen Latay na siyang kumatawan sa DA-RFO 4A.
(Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Tanggapan ng Beterinaryong Panlungsod |
December 1, 2020) #

 

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph