Press Releases

You are visitor #

2259795
TodayToday252
This_WeekThis_Week252
This_MonthThis_Month11550
All_DaysAll_Days2259795

Citizens Charter

charter4

Pres. Jose P. Laurel, binigyang-pugay sa kanyang 61 st death anniversary

pres

“What I have in mind is to
challenge, this is of course a challenge to my colleagues in the Sanggunian, to have a resolution
appealing to the National Historical Commission that this site will be considered as one of the
historical sites in the country, not only in Tanauan.” Ito ang ipinahayag ni Vice Mayor Atty.
Herminigildo Trinidad Jr. patungkol sa libingan ni Pangulong Jose P. Laurel sa isinagawang paggunita
ng kanyang ika-61 taong anibersaryo ng kamatayan na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod sa
ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary Angeline Halili noong Nobyembre 6, 2020 sa President’s
Mausoleum sa lumang sementeryo ng lungsod. Kabilang sa mga dumalo sa programa at nag-alay ng
bulaklak ang mga kinatawan ng Dr. Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 sa pangunguna ni
Worshipful Master Michael Macatangay gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod
na sina Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales,
Kon. Ret. BGen. Benedicto Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Liga ng mga Barangay President Isidro
Fruelda at Sangguniang Kabataan Federation President John Kennedy Macalindong kasama si Chief
of Staff Casiano Saniano na siyang kumatawan kay Mayor Halili. Tagumpay na naidaos ang programa
sa pamamagitan ng Community Affairs Office (CAO) na pinangangasiwaan ni G. Edison Jallores.
(Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares | November 11, 2020) #

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph