Press Releases

You are visitor #

2237981
TodayToday123
This_WeekThis_Week1377
This_MonthThis_Month993
All_DaysAll_Days2237981

Citizens Charter

charter

PROYEKTONG PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG PANDEMYA, ISINULONG SA TANAUAN

KATUWANG ANG MGA KOOPERATIBA

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Kaugnay ng pagdiriwang ng “Tanauan City’s 14 th Cooperative
Month” na may temang “COOPERATIVES Amidst the Pandemic Stand for Resiliency Strive for
Sustainability”, isinagawa ang “turn over ceremony” ng mga “sewing machines” at materyales para
sa proyektong “PPE Sewing as Covid-19 Social Enterprise” noong Oktubre 22, 2020 sa Brgy. Balele.
Naisakatuparan ang naturang proyekto sa pakikipag-ugnayan ng Jaime V. Ongpin
Foundation, Inc. (JVOFI), kaakibat ang Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC)-Embrace,
sa Pamahalaaang Lungsod na pinamumunuan ni Mayor Mary Angeline Halili sa pamamagitan ng City
Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO) na pinangangasiwaan ni Ms. May Teresita
R. Fidelino.
Bilang katuwang ng JVOFI sa proyekto ng pananahi ng “face masks” na mataas ang demand
sa kasalukuyang panahon ng pandemya, tumanggap ang Balele Mulit-Purpose Cooperative (BMPC)
sa pamamagitan ng kanilang Chairperson na si G. Apolinar Landicho ng tatlong (3) makinang panahi,
mga tela, sinulid at iba pang “supplies”.

Dumalo sa naturang programa upang magbigay ng makabuluhang mensahe sina Batangas 3 rd
District Representative Ma. Theresa Collantes, JVOFI Executive Director Ma. Rosario Lopez at G. Rey
Corona ng PMFTC-Embrace. Samantala, nagbigay naman ng “lecture” si Atty. Margie Chan ng JCI-
Makati ukol sa “Resiliency Management”.
Kasunod ng “turn over ceremony” ng “sewing machines” mula sa JVOFI, pormal na binuksan
ang BMPC’s Koop Kabuhayan Center na dinaluhan ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni
Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. Upang maipamalas ang suporta sa mga kooperatiba,
nagbigay din ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng CCLDO ng “regular high speed” at
“specialized sewing machines” bilang karagdagan sa gagamitin ng naturang kooperatiba para sa
kanilang proyekto.
Kabilang din sa nakiisa sa programa si Cooperative Development Authority (CDA)-
CALABARZON Regional Director Salvador V. Valeroso gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod na sina Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen
Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon. Ret. BGen. Benedicto Corona at Kon. Dra. Kristel Guelos.
(Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Atty. Jun-jun Trinidad & CCLDO FB page|
October 28, 2020) #

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph