Press Releases

You are visitor #

2224610
TodayToday105
This_WeekThis_Week105
This_MonthThis_Month3162
All_DaysAll_Days2224610

Parade of Lights 2019

Tanauan City LGU, nakiisa sa International Coastal Clean Up Part II

linis

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Tagumpay na isinagawa ang International Coastal Clean-up
(Part II) na may temang "Linis Kalikasan, Kalat Iwasan", sa Brgy. Wawa ng Lungsod ng Tanauan noong
Oktubre 3, 2020. Ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Rotary Club of Tanauan District 3820,
Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary Angeline Halili, kaisa ang
Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. (JVOFI) at Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC)-
Embrace.
Bahagi ng proyekto ang pagkakaloob sa limang (5) “lakeshore barangays” ng lungsod na
kinabibilangan ng Brgy. Ambulong, Bañadero, Gonzales, Wawa at Boot ng tig-labinlimang (15)
basurahan na magagamit sa “proper waste segregation”. Ang mga naturang basurahan ay “color-
coded” kung saan ang kulay berde ay para sa nabubulok, itim sa hindi nabubulok at asul para sa
“recyclable”.
Dumalo sa nasabing programa sina City Administrator Allan P. Credo bilang kinatawan ni Mayor
Halili, Rotary Club of Tanauan President Elmer Barquilla, Project Chairman RTN Francis Nazareth
Juinio, RTN Past President Manny Lascano na Co-Chairman ng nasabing proyekto, G. Rey Corona
mula sa PMFTC-Embrace, iba pang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na kinabibilangan nina City
Environment and Natural Resources Office (CENRO) Dept. Head Engr. Rico Javier, Ms. Donna Mae
Saludo mula sa Tourism Section ng Community Affairs Office (CAO), mga kapitan, at kinatawan ng
mga “lakeshore barangays”.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa programa ng lokal na pamahalaan na linangin ang mga lugar sa
baybayin ng lawa ng Taal. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick Lanting
| October 8, 2020) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph