Print
Category: Latest News

Aggressive Community Testing, isinagawa sa Tanauan City

testing

Malugod na nakiisa ang
Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Mary Angeline Y. Halili katuwang
ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. sa
isinagawang “Aggressive Community Testing” na ginanap sa Laurel Memorial District
Hospital noong Oktubre 4 hanggang 6, 2020. Naisakatuparan ang libreng RT-PCR COVID-19
Test para sa mga indibidwal mula sa iba't-ibang lungsod at munisipalidad ng lalawigan ng
Batangas dahil sa inisyatibo ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at pakikipag-
ugnayan ni Governor Hermilando Mandanas kaagapay ang Batangas Provincial Inter-Agency
Task Force (IATF). Ang “community testing” sa lungsod ng Tanauan ay isa lamang sa tatlong
(3) itinalagang “COVID-19 testing centers” ng lalawigan. Ang iba pa ay isinagawa naman sa
DREAM Zone, Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas at sa Don Manuel Lopez Memorial
Distict Hospital sa bayan ng Balayan. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy:
Allan Carandang / CAO Tanauan | October 7, 2020) #