Print
Category: Latest News

Rehabilitasyon ng mga taniman, sinimulan sa Tanauan City

taniman

May kabuuang limandaang
(500) Tanaueños mula sa mga barangay na kabilang sa “7 to 14 kilometers danger zone”
noong pumutok ang Bulkan Taal ang kabilang sa mga benepisyaryo ng sampung araw na
“Cash for Work Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na
sinimulan noong Setyembre 28, 2020 sa pamamagitan ng mga tanggapan ng City Agriculture
na pinamumunuan ni G. Rene Cunanan kaagapay ang tanggapan ng Gender and
Development (GAD) at City Social Welfare and Development (CSWD) na pinangangasiwaan
ni Ms. Vicky Javier. Layunin ng programang ito na maibalik sa ayos ang mga naapektuhang
taniman ng gulay at mabigyan ng pansamantalang mapagkakakitaan ang mga nasabing
benepisyaryo. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan with reports from GAD Office | Photo
Courtesy: Roderick Lanting / September 30, 2020) #