Press Releases

You are visitor #

2237992
TodayToday134
This_WeekThis_Week1388
This_MonthThis_Month1004
All_DaysAll_Days2237992

Citizens Charter

charter

Kauna-unahang “meatshop” ng kooperatiba ng Tanaueño “hog raisers”, binuksan

meatshop

Dahil
sa inisyatiba ng Tanauan City Hog Raisers Agriculture Cooperative (THRAC) sa pangunguna
ng kanilang Chairman na si G. Emil Jay Simangcas at pakikipag-ugnayan sa City Cooperatives
and Livelihood Development Office (CCLDO) na pinangangasiwaan ni Ms. May Teresita
Fidelino, kaagapay ang Tanggapan ng Beterinaryong Panlungsod sa ilalim ng pamumuno ni
Dr. Aries Garcia, isinagawa ang “blessing” at “ribbon-cutting ceremony” ng THRAC Meatshop
sa Brgy. Talaga noong Setyembre 25, 2020. Ipinahayag ni Ms. Fidelino ang suporta ng
Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni Mayor Mary Angeline Halili sa programa ng
kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang tanggapan ng mga kagamitan tulad
ng “chest-type freezer”, “stainless table”, “electronic weighing scale”, “chopping board”,
“meat grinder” at “butcher's knife” para sa unang tatlong “meatshop” na itatayo ng THRAC.
Ayon sa kooperatiba, sampu (10) pang tindahan ng karne ang kanilang bubuksan hanggang
sa unang tatlong buwan ng taong 2021. Nakiisa rin sa nasabing okasyon si Vice Mayor Atty.
Herminigildo Trinidad Jr. kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina
Kon. Czylene Marqueses, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Kristel Guelos at kinatawan ni Kon.
Angel Burgos gayundin ang kinatawan ng Cooperative Development Authority (CDA) na si G.
Nelson Labio, Brgy. Capt. Rico Talagsad, at mga kawani ng CCLDO na sina Gng. Rosamila
Vallega at G. Bryan Francisco na siyang tumatayo bilang Project Officer ng naturang
kooperatiba. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Atty. Jun-jun Trinidad
FB page / September 30, 2020) #

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph