Press Releases

You are visitor #

2219674
TodayToday646
This_WeekThis_Week5454
This_MonthThis_Month13410
All_DaysAll_Days2219674

Parade of Lights 2019

Fertilizer mula sa DA, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Tanauan City

da

May kabuuang tatlong
daan at limampung (350) sakong “urea fertilizer” at anim na daan at limampung (650)
sakong “complete fertilizer” ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON
sa mga magsasaka ng lungsod ng Tanauan bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga taniman ng mais
at balinghoy o kamoteng kahoy na naapektuhan sa pagputok ng Bulkang Taal. Tagumpay na
naisagawa ang programa noong Setyembre 8, 2020 sa Sitio Dayapan, Barangay Bilogbilog sa
pangangasiwa ng tanggapan ng City Agriculture na pinangungunahan ni G. Rene Cunanan, bilang
kinatawan ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary Angeline Halili. Kaugnay
nito, ipinahayag ni Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr., ang lubos na pasasalamat sa naturang
kagawaran na kinatawan ni DA CALABARZON Regional Director Arnel V. De Mesa dahil sa
suporta at tulong na patuloy na ibinibigay sa mga magsasakang Tanaueño. Dumalo din sa
naturang okasyon sina 3rd District of Batangas Representative Ma. Theresa V. Collantes,
Assistant Regional Director for Operations Dennis R. Arpia at Regional Corn Program
Coordinator Avelita M. Rosales. Nauna nang naipagkaloob ng kagawaran ang mga pananim
na mais at balinghoy sa mga magsasaka noong mga nakaraang buwan. (Maireen Jenzen
Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Atty. Jun-jun Trinidad FB page & Office of the City
Agriculturist FB page / September 10, 2020) #

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph