Press Releases

You are visitor #

2218444
TodayToday193
This_WeekThis_Week4224
This_MonthThis_Month12180
All_DaysAll_Days2218444

Parade of Lights 2019

“Cutting Facility” na itatayo sa Tanauan City, pinondohan ng DA

dar

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Isang “cutting facility” ang nakatakdang ipatayo sa
lungsod na ito na paglalaanan ng pondo ng Department of Agriculture (DA).
Ito ang binigyang diin ni DA Secretary William D. Dar sa kanyang pagbisita sa lungsod noong
Agosto 28, 2020 kung saan malugod siyang sinalubong ng mga kinatawan ng Pamahalaang
Lungsod sa pangunguna ni Mayor Mary Angeline Y. Halili.
Ang naturang “cutting facility” na may pondong 50 milyong piso ang magsisilbing tugon sa
anumang magiging kakulangan sa “supply” ng mga ”dressed poultry products” upang hindi
na kailanganin ang pag-angkat nito.
Kasama si DA CALABARZON Regional Executive Director Arnel V. de Mesa, nagtungo ang
kalihim sa Barangay Sambat upang personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon ng
ipinatatayong “Triple A Slaughterhouse” na itinuturing na kauna-unahang modernong
katayan sa bansa na pagmamay-ari ng pamahalaan. Inaasahang matatapos ang
konstruksyon nito sa Nobyembre 1 ng taong kasalukuyan.
Kabilang pa sa ininspeksyon ng mga kinatawan ng DA ang “Trading Post” o bagsakan ng
lungsod na dinarayo ng mga residente mula sa karatig lugar upang dito kumuha ng “supply”
ng sariwang gulay at prutas.
Lubos na pasasalamat naman ang agad na itinugon ni Mayor Halili at ng ibang kinatawan ng
lokal na pamahalaan kasabay ang pagbibigay ng kasiguruhan sa Kalihim ng Kagawaran na
higit na pag-iibayuhin ang pagsasaayos ng mga nabanggit na pasilidad at ang operasyon ng
mga ito.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad sina City Administrator Allan P. Credo, Office of the City
Veterinarian (OCVET) Department Head Dr. Aries Garcia, City Agriculture Office Department
Head Rene Cunanan, Office of the Public Market (OPM)/ Trading Post OIC Jeinnch S. Nones,
at mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan |
Photo Courtesy: Roderick Lanting / September 1, 2020) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph