Press Releases

You are visitor #

2219668
TodayToday640
This_WeekThis_Week5448
This_MonthThis_Month13404
All_DaysAll_Days2219668

Parade of Lights 2019

TURN-OVER OF SANITATION FACILITIES

sanitation

Pormal na isinagawa ang Turn-Over ceremony ng
“sanitation facilities” na itinayo sa pagtutulungan ng Philippine Army at ng Pamahalaang Lungsod ng
Tanauan para sa mga mamamayang nagsilikas noong nakaraang kalamidad bunsod ng pagputok ng
Bulkang Taal noong Enero 12, 2020. Ang mga pasilidad na ito ay binubuo ng dalawang “6-door
latrines” na matatagpuan sa “evacuation centers” sa Poblacion 3 at 6 ng lungsod ng Tanauan sa
tulong ng Joint Task Group Taal, 51 st Engineering Brigade (EBde) at 514 th Engineer Construction "Ang
Gumagawa" Battalion. Dinaluhan nina City Mayor Angeline "Sweet" Halili, Vice Mayor Atty.
Hermingildo G. Trinidad Jr., kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Punong
Barangay Oliver Infante at Manny Ramilo, ang naturang pagtitipon na ginanap noong Pebrero 6,
2020 sa Speaker Jose B. Laurel Gymnasium 2. Nakiisa rin dito sina BGen. Marcellano V. Teofilo AFP,
ng Joint Task Group Taal, BGen. Emmanuel Anthony V Ramos AFP at LTC Dean B. Ramos ang
Commanding Officer ng 514 th ECB at 51 st EBde PA. Ipinabatid ni Mayor Halili ang kanyang lubos na
pasasalamat sa Armed Forces of the Philippines maging sa mga kapulisan sa kanilang tulong at
suporta sa lungsod. (LACV / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares/ February 6, 2020)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph