TANAUAN, BAYAN KO
Ang pangalan mo'y kumikinang, Ang bantayog mo'y kaunlaran
At sa'yong sinapupunan Kami;y ganto mong iningatan
Dangal ka ng bayang Batangan at perlas ka ng Silangan
Babaunin ko kailan pa man Tanauan kong bayan
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y higit na yaman
Tanauan, Bayang Tanauan, Ika'y silbing kanlungan
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y hindi iiwan
Bayang kong kinagisnan sapul sa pagsilang
Kung sa ngalan mo'y may aapi Silahis ng araw ang sasaksi
Babangon ang bughaw na lipi Sa duyan ng mga bayani
Maharlikang dugo'y iaalay Mapatid mang itong buhay
Huling lakas man ay ibibigay Mahal kitang tunay
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y higit na yaman
Tanauan, Bayang Tanauan, Ika'y silbing kanlungan
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y hindi iiwan
Bayang kong kinagisnan sapul sa pagsilang
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y higit na yaman
Tanauan, Bayang Tanauan, Ika'y silbing kanlungan
Tanauan, Bayang Tanauan Ika'y hindi iiwan
Bayang kong kinagisnan sapul sa pagsilang
Duyan kong kinagisnan Tanauan kong Bayan
Press Releases
For Your Information (FYI)
You need pdf viewer to view the file
Plant a tree for a newborn baby
You are visitor #
![]() | Today | 291 |
![]() | This_Week | 739 |
![]() | This_Month | 12037 |
![]() | All_Days | 2260282 |
Tanauan Hymn
- Details
- Category: About Us