20, January 2023 | Distribution of Sanitary Bowl and Eyeglasses.

20, January 2023 | Distribution of Sanitary Bowl and Eyeglasses.
Bilang tugon ni Mayor Sonny Perez Collantes sa programang pangkalusugan, naisakatuparan kahapon, ika- 20 ng Enero, 2023 sa Tanauan Old City hall ang pamamahagi ng Sanitary Bowl at Libreng Eyeglasses para sa ating mga kababayan.
Katuwang ang City Health Office sa pamumuno ni Dra. Ana Dalawampu, tinatayang nasa 80 (Bowl beneficiaries) at 200 na mga Tanaueño ang nakatanggap ng Libreng salamin.
Naging bahagi rin nito sina Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes upang patuloy na suportahan ang ganitong uri ng mga programa. Sila rin ay patuloy na makikiisa sa pagtugon at pangangailangan sa sektor ng kalusugan.
Samantala, binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes na kaniyang paiigtingin ang pagkalap para sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga mamamayan. Aniya, “Katuwang ang City Health Office, kami po ay patuloy na nag-iisip ng mga programa para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga kababayan.”
Previous Federation of Senior Citizens Regular Meeting.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved