Social Pension para sa mga Senior Citizens, tagumpay muli na ipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw!

Social Pension para sa mga Senior Citizens, tagumpay muli na ipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw!
Sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga Senior Citizen sa Lungsod na naging posible sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Bahagi ang nasabing programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapalawig ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nangangalaga sa mga Indigent Senior Citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangan.
Naging bahagi rin ng nasabing pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes upang patuloy na sumuporta sa ating lokal na pamahalaan na mangangalaga para sa ating mga Senior Citizen.
Ang nasabing pensyon ay mula Oktubre hanggang ngayon buwan na agarang ipinapamahagi ng lokal na pamahalaan.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa 400 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito katuwang ang Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved