Honorarium para sa mga Barangay Tanod at mga Uniformed Personnel ng Lungsod ng Tanauan.

Honorarium para sa mga Barangay Tanod at mga Uniformed Personnel ng Lungsod ng Tanauan, Personal na ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ay tagumpay na naipamahagi ang Honorarium para sa 960 na Barangay Tanod at 230 Uniformed Personnel ng ating Lungsod ngayong araw, ika-18 ng Disyembre sa Tanauan Institute.
Kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes, 3rd District of Batangas Representative Chief of Staff Atty. King Collantes at mga kawani mula City Treasury Office (CTO).
Ang pamamahagi ng allowance ito ay bahagi ng pasasalamat ng ating Pamahalaang Lungsod para sa hindi matatawarang dedikasyon at kasipagan ng ating mga kawani na kabalikat ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating mahal na Lungsod.
Previous City Government of Tanauan 2022 Annual Recognition and General Assembly

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved