Mga Bagong Sound System, tagumpay na naipaabot ng Pamahalang Lungsod sa mga Pampublikong Paaralan sa Tanauan!

Mga Bagong Sound System, tagumpay na naipaabot ng Pamahalang Lungsod sa mga Pampublikong Paaralan sa Tanauan!
Sa pangunguna ni Local School Board Chairperson Sonny Perez Collantes ay pormal nang ipinaabot ang mga bagong sound system equipment para sa 59 na mga pampublikong paaralan sa Lungsod.
Bahagi ito ng inisyatibo ni Mayor Sonny, Local School Board at ng lokal na pamahalaan sa ilalim Special Education Fund (SEF) na layong maghatid ng mga kagamitan at pasilidad para sa ating mga mag-aaral na Tanaueño ngayong taong panuruan at sa mga susunod na taon.
Habang nakiisa rin sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes, kasama ang buong pamunuan ng Tanauan City Schools Division Office sa pangunguna nina SDS Officer-In-Charge Mr. Rogelio Opulencia at mga Punong Guro ng 59 na pampublikong paaralan.
Previous Pamamahagi ng Pamaskong handog sa Brgy. Poblacion 5,6,7 at Brgy. Darasa

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved