Cash Card para sa mga Indigent Senior Citizen sa Lungsod ng Tanauan, tagumpay na naipamahagi.

Cash Card para sa mga Indigent Senior Citizen sa Lungsod, tagumpay na naipamahagi kahapon!
Naging matagumpay ang pamamahagi ng Unconditional Cash Transfer (UCT) kahapon, ika-27 ng Nobyembre sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWD).
Naging bahagi rin nito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes na nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng pagsulong ng mga Batas na para sa karagdagang benepisyo sa ating mga Seniors.
Tinatayang mahigit tatlong libo na mga Indigent Senior Citizen ang nabahagian sa nasabing programa. Bahagi ito ng kanilang natatanggap na Social Pension kada taon mula sa ating Pamahalaan. Binigyan diin naman ni Mayor Sonny na kaniyang tutugunan ang pangangailangan ng ating mga Senior Citizens at patuloy na makikipagtulungan sa Pamahalaang Nasyunal para sa pagpapalawak ng mga programa na mangangalaga sa kanilang sektor.
Previous Community Cinema handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved