Pormal nang nanumpa kahapon ika-22 ng Nobyembre ang 11 na bagong promote na mga guro sa Lungsod ng Tanauan

Pormal nang nanumpa kahapon ika-22 ng Nobyembre ang 11 na bagong promote na mga guro sa Lungsod ng Tanauan kung saan pinasinayaan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang kanilang administering officer.
Kasabay nito, binigyang diin ng ating Punong Lungsod ang pakikipagtulungan sa mga guro na maging mahusay at mahalin ang kanilang tungkulin sa paglinang ng karunungan ng ating mga kabataan upang maging instrumento sa paghubog ng mga mahuhusay na mamamayan at Lider sa ating inang bayan pagdating ng araw.
Habang nakiisa at nagpaabot din ng suporta sa panunumpa ng mga guro sila Senior Education Program Specialist Mr. Romel Villanueva at Ms. Hazel Morales na mga nagsilbi ring witness.
Previous Engineering Days ’22 ng Tanauan City College

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved