GAWAD KALASAG AWARD AT MGA MATAGUMPAY NA OPERASYON NG CDRRMO, TINALAKAY SA LOCAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT 4th QUARTER COUNCIL MEETING

GAWAD KALASAG AWARD AT MGA MATAGUMPAY NA OPERASYON NG CDRRMO, TINALAKAY SA LOCAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT 4th QUARTER COUNCIL MEETING
Ngayong araw ng Miyerkules ika-23 ng Nobyembre 2022, ginanap ang LDRRM 4th Council Meeting na pinangunahan ng CDRRMO upang talakayin ang bagong accomplishment report ng naturang tanggapan. Naging daan ito upang maibahagi ang mga mabilis at maayos na pagtugon sa mga aksidente sa lungsod tulad ng vehicular accidents kung saan pumalo sa 112 ang naitalang insidente nito sa huling apat na buwan.
Naiulat din ang kanilang tuloy-tuloy na pagsuporta sa mga programa at operasyon ng Pamahalaang Lungsod at iba’t ibang ahensiya tulad ng clearing operation, brigada eskwela, PNP outreach program at disaster relief operation. Pinag-usapan din ang progreso ng CCTV extension na layong mas mabantayan ang sitwasyon ng mga lugar sa lungsod.
Samantala, nagpakita naman ng buong suporta at pagkilala ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si (CLGOO) Ms. Charlotte Flor Quiza para sa kanilang matagumpay na Incident Command System Training, epektibong situational report at risk reduction measures noong bagyong Paeng at aktibong kooperasyon upang makamit ng Tanauan ang prestihiyosong GAWAD KALASAG AWARD.
Dumalo rin dito ang mga NGOs, department managers at kinatawan ng ibat ibang tanggapan ng Pamahalang Lungsod kabilang na ating City Administrator Wilfredo P. Ablao, PNP Tanauan, BFP Tanauan at Philippine Coast Guard.
Previous Aprubadong Research Development and Extension Services (RDES) Council Members, Proposed Spending Plan at Paskuhan 2022

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved