Tanauan City Women’s Coordinating Council katuwang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa Bago at Maunlad na Tanauan!

Tanauan City Women’s Coordinating Council katuwang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa Bago at Maunlad na Tanauan!
Para kay Mayor Sonny Perez Collantes, “mahalaga ang kontribusyon ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng isang Lungsod.” Kaya naman, upang mas maging organisado at mahusay pa ang pagganap sa tungkulin ng bagong itinatag na “Tanauan City Women’s Coordinating Council” sa pamumuno ni Atty. Cristine Collantes (Council President), isang espesyal na Strategic Planning and Workshop ang isinakatuparan ng ating Pamahalaang Lungsod at sa inisyatibo ni Mayor Sonny, katuwang ang Gender and Development (GAD) office sa pangunguna ni Ms Vicky Javier.
Mahigit limampung (50) kababaihan mula sa iba’t ibang Brangay at institusyon na bahagi ng City Women’s Coordinating Council sa Lungsod ng Tanauan ang nakiisa sa “Strategic Planning & Workshop on the Organizational Structures” nitong ika-17 hanggang ika-19 ng Nobyembre 2022 kung saan layon ng programang ito na hubugin at palakasin pa ang kakayanan ng mga miyembro ng Council.
Bukod dito, ang aktibidad ay dinaluhan rin nina AWLFI (Association of Women Legislators Foundation Inc.) Vice President for Luzon at 3rd District of Batangas Representative Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Tanauan City Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad na kaagapay ng nasabing sektor sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga Tanaueño.
Habang nagbahagi rin ng mensahe si Congresswoman Maitet Collantes na aniya, bilang babaeng mambabatas, ilan sa kaniyang mga prayoridad ang pagsusulong ng mga batas na tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan – proteksyon, paglikha ng oportunidad at pagbibigay importansya sa kanilang karapatan.
Samantala, pagsuporta sa mga resolusyon at ordinansa naman sa Sangguniang Panlungsod ang ipinaabot na mensahe ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad. Binigyang-diin din niya ang balanseng pagtanaw sa karapatan ng kalalakihan at kababaihan na siya namang sinang-ayunan ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Kaya bilang tugon sa mas balanseng pagtanaw ng karapatan sa lahat ng sektor, isusulong at susuportahan ni Mayor Sonny ang ERPAT (Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities), makalikha ng mga programa sa ilalim nito na maghahatid-kaalaman sa mga ama/kalalakihan sa kanilang tungkulin sa pamilya at lipunan.
“Hanggat nagtitiwala kayo sa aming Pamilya, hinding hindi namin pababayaan ang sektor ng kababaihan sa Lungsod ng Tanauan! Ating susuportahan ang mga programa at proyekto ng Council na ito upang maging katuwang hindi lamang sa paghahatid ng serbisyo kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Tanauan!” ani Mayor Sonny sa kaniyang paunang mensahe sa pagsisimula ng naturang porograma.
Ibinahagi niya rin dito ang mga plano at hakbangin ng Pamahalaang Lungsod sa mga susunod na taon sa usaping pananalapi at kaunlaran, para kay Mayor Sonny malaking bagay ang pagtanaw sa kakayanan at kontribusyon ng bawat sektor sa pagpapaunlad ng Lungsod, ang mga ganitong uri ng programa ang magbubuklod sa bawat mamamayan upang magtulungan sa iisang hangarin na mapaunlad ang Lungsod ng Tanauan.
Kabilang na rin sa mga dumalo sa espesyal na programa sina Tanauan City Women’s Coorinating Council Vice President Evangeline Trinidad, ABC President Kapitan Isidro Fruelda at ABC Vice President Kapitana Precious Agojo.
Previous 𝐋𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved