BestPro Realty International Corp. HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA PAGPAPASIGLA NG LOKAL NA EKONOMIYA NG LUNGSOD!

BestPro Realty International Corp. HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA PAGPAPASIGLA NG LOKAL NA EKONOMIYA NG LUNGSOD!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ika-11 ng Nobyembre, 2022 ang taiwanese investor at international managing partner ng BestPro Realty International Corp. na si Mrs. Michelle Liu upang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Si Mrs. Michelle Liu ay Certified Commercial Investment Member (CCIC) kung saan siya’y eksperto sa mga “Real Estate Projects” tulad ng “Residential at Industrial Park”. Inihayag naman nya na handang makipagtulungan ang BestPro Realty International Corp. para sa pag-unlad ng lungsod at pagbibigay trabaho sa mga Tanaueño.
Samantala, dumalo rin si Vice Mayor Atty. Jun-jun Trinidad at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao sa naturang pulong. Tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ni Mayor Sonny Perez Collantes na makipag-ugnayan sa mga foreign investors para sa masiglang pagnenegosyo at mas maraming hanapbuhay sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Pantay Bata at Pantay Matanda!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved