Aprubadong konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan tinalakay sa Local School Board Meeting

Aprubadong konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan, Pagsasaayos ng bakod ng Malaking Pulo Elementary School at Disaster Resposponse Report ng DepEd, pinag-usapan sa ika-anim na Local School Board
Sa ika-anim na Local School Board (LSB) meeting, magkasabay na inaprubahan ngayong araw ni LSB Chair Sonny Perez Collantes kasama ang mga miyembro nito ang konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan para sa Banjo East Elementary School at ang pagsasaayos ng nasirang bakod ng Malaking Pulo Elementary School nitong Bagyong #KardingPH.
Kabilang din sa dumalo upang pag-usapan ang nakatakdang DepEd Night ng mga kaguruan ng Lungsod ng Tanauan ay sina City School Division Superintendent Mr. Rogelio O. Opulencia, Assistant SDS Ms. Rhina Ilagan, Tanauan Public School Teachers Association President Susan Ignacio, Federated Parents-Teachers Association President Antonnete Corpuz, National Employees Union President Romel G. Villanueva, City Engineering Office Representative Engr. Roberto, Chair Committee on Education and Culture Kon. Czylene Marqueses, at City Treasurer Mr. Fernando Manzanero.
Bukod dito, ibinahagi rin ng DepEd Tanauan City ang kanilang Post Disaster Needs Assessment nitong nagdaang Bagyong #PaengPH. Habang pag-uusapan din ng lupon sa susunod na pagpupulong ang proposed 2023 Special Education Fund (SEF) Budget para sa Lungsod ng Tanauan.
Previous BARANGAY PANTAY BATA at BARANGAY MATANDA, aarangkada na ang SERBISYONG PUBLIKO CARAVAN

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved