Mayor Sonny Perez Collantes, aaksyunan ang sirang mga daan at kanal sa dating bagsakan!

Mayor Sonny Perez Collantes, aaksyunan ang sirang mga daan at kanal sa dating bagsakan!
Kasama ang clearing operation team, tinungo ng ating Punong Lungsod kahapon ang Palengke sa likod ng Victory mall (Dating Bagsakan) upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga tindera at mamimili.
Kasabay nito, kaniyang bibigyang solusyon ang kapansin-pansing sirang mga daanan at baradong kanal na nagiging sanhi ng mga pagbaha at pagiging maputik ng lugar —inaasahan bago mag-Disyembre ay mabibigyang katuparan ang pagsasaayos ng mga ito kasama ang paglalagay ng banyo para sa publiko.
Kaniya ring binisita ang lugar na pagtatayuan ng Grand Terminal para sa ating mga TODA na magiging tugon upang magkaroon ng mas maayos na sistema at organisadong paradahan para sa mga tricycle drivers at mga commuters.
Previous Mga bagong Enumerators sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved