Makulay at masayang pasko, handog ng ating Punong Lungsod para sa TODA-Tanauan!

Makulay at masayang pasko, handog ng ating Punong Lungsod para sa TODA-Tanauan!
Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ating mga Tricycle Operator and Drivers’ Association President upang malaman ang mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro sa ating Pamahalaang Lungsod.
Kasama ang TRO OIC Mr. Sesinando Carandang kanilang idinulog sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang hiling na suporta mula sa lokal na pamahalaan upang mabigyan ng kakaunting pondo para sa gaganaping Christmas Party ng kanilang Asosasyon, kung saan agad na tinugunan ng ating butihing Mayor bilang pagkilala sa kanilang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa ating mga kababayan.
Kasabay nito, ipinaalam ni Mayor Sonny — na ang bawat pamilyang Tanaueño ay hahandugan ng Christmas Package bilang regalo ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan sa nalalapit na pasko.
Previous 2-Day Technology Training on Mango and Calamansi-based Product Processing para sa mga Magsasakang Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved