Inaksyunan ang pinasalang idinulot ng buhawi sa Tanauan City Vendor’s Market

Mayor Sonny Perez Collantes, agad na inaksyunan ang pinasalang idinulot ng buhawi sa Tanauan City Vendor’s Market
Para matiyak ang kaligtasan sa lugar, agad na binisita ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Tanauan City Vendor’s Market upang mapabilis ang clearing operations sa lugar at maibalik agad ang supply ng kuryente para sa mga apektadong mga manininda at mga karatig barangay.
Sa naganap na pananalasa ng buhawi kaninang hapon, tinatayang nasa 59 kabuuan ang iniwang pinsala at kasalukuyang bibigyan ng pansamantalang pwesto upang maipagpatuloy ang kanilang negosyo habang isinasaayos ang lugar.
Naging katuwang upang mapabilis ang pagsasaayos nito ay ang City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City, Ccldo Tanauan, Task Force Clearing, Traffic Management Office Tanauan City at iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod
Samantala, kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, agad ding nagtungo upang bisitahin ang apat (4) nating mga kababayang nasugatan dulot ng insidente upang magpapaabot ng tulong para sa kanilang mga pagpapagamot.
May be an image of mosquito net
Previous Hinihinalang buhawi, nanalasa sa Tanauan City Vendor’s Market.

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved