IN PHOTOS | Tanauan City Women’s Coordinating Council’s Gender Responsive Strategic Planning

Kaugnay sa isinusulong na gender responsive na Lungsod ni Mayor Sonny Perez Collantes, isang matagumpay na 3-Day Training ang isinagawa nitong nakaraang Linggo sa pangunguna ng Tanauan City Women’s Coordinating Council na pinamumunuan ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes.

Bukod sa Cross Learning Activity na isinagawa sa iba’t ibang tanggapan at pasilidad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nagsagawa rin ng pagpapalano ang mga kababaihang kabahagi ng naturang organisasyon sa tulong ng Tanauan Local Social Welfare and Development, Gad Tanauan at mga resource speaker na sina Ms. Eva Pallas-Morillo, RSW at Me. Jedd Maranan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development.

Kabilang sa nakiisa rin sa makabuluhang talakayan patungkol sa representasyon ng sektor ng kababaihan sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, ABC President Kon. Precious Agojo, mga Department Managers at mga lider ng iba’t ibang Barangay sa Lungsod.

Previous Para sa Lungsod ng Tanauan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version