Kaugnay sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga lakeshore barangays ng Lungsod, nagsagawa ng clean-up drive at tree palnting activity nitong ika-04 ng Pebrero ang mga kandidata ng Binibining Tanauan 2024 sa Sabang Eco Park at Brgy. Gonzales katuwang ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Rico Alcazar.
Layon din ng aktibidad na ito na protektahan at pangalagaan ang paligid ng ating Bulkang Taal na isa sa mga isinusulong na program ni Mayor Sonny Perez Collantes.