Implementasyon at pagpapabilis ng serbisyong publiko para sa mga Tanaueño

Implementasyon at pagpapabilis ng serbisyong publiko para sa mga Tanaueño, tinalakay sa BAC Technical Working Group consultative meeting
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, isa-isang tinalakay ang mga mahahalagang paksa patungkol sa implementasyon ng mga programa ng lokal na pamahalaan katuwang ang Bids and Awards Committee (BAC) Technical Working Group.
Layon nitong mas gawing sistematiko ang mga proseso ng pamahalaang lungsod patungkol sa pagpili ng mga nararapat na service providers na kinakailangan sa mga programa’t servisyong inihahatid sa mga Tanaueño.
Habang nakiisa rin sa nasabing pagpupulong si dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao na kabahagi ng lungsod sa pagahhatid ng dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayan.
May be an image of 8 people and text
Previous Pagkilala sa mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved