Ika-65 Anibersaryong Kamatayan ni Dr. Jose P. Laurel

Ika-65 Anibersaryong Kamatayan ni Dr. Jose P. Laurel, ginunita sa Lungsod ng Tanauan
Pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw, ika-06 ng Nobyembre ang paggunita ng ika-65 anibersaryo ng kamatayan ng ating dakilang Tanaueño, bayaning Pilipino, at dating Presidente, Jose P. Laurel.
Kasama si Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, kinilala ang kaniyang mga naiwang ng legasiya na patuloy na nagpapa-alala, na wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa Dakilang lumikha at buong puso nitong paglilingkod para sa ating Inang Bayang Pilipinas.
Hinikayat din ni Mayor Sonny ang bawat isa na patuloy nating sariwain ang kanyang mga ipinaglabang prinsipyo at mga aral upang maging gabay para sa mas magandang bukas ng ating Bayan.
Previous 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 & 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved