Ika-25 na regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas

Nakatakdang Salary increase para sa mga Job Order employees, Oportunidad para sa mga Skilled Workers, at Big Seiso Day, tinalakay sa Flag Ceremony ngayong umaga
Sa ika-25 na regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, malugod na ibinahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Pamahalaang Lungsod, katuwang ang City Accounting Office at City Budget Office ang nakatakdang salary increase para sa mga Job Order na empleyado ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, ibinalita rin ni Mayor Sonny na magbubukas ang bansang Japan ng oportunidad para sa mga kababayan nating skilled workers na result ana pakikipagtulungan ng ating Pang. Bongbong Marcos sa nasabing bansa.
Bilang tugon dito, makikipagtulungan ang ating Punong Lungsod sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang mabigyan ng training scholarship sa ilalim ng TESDA ang ating mga kababayang nagnanais na maging bahagi ng programa.
Habang inanyayahan naman ng Human Resource and Management Development Office (HRMDO) ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na makiisa sa gaganaping “Big Seiso Day” sa darating na ika-17 ng Pebrero na bahagi ng 5S practice ng Pamahalaang Lungsod.
Previous 𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐨𝐩𝐨𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐠𝐚𝐦𝐞 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version